Replektibong Sanaysay
Pangarap tungong ginhawa Para kanino ka bumabangon? Karaniwan natin itong naririnig sa patalastas at marahil, marami ang magsasagot ng “para sa pangarap” sa tanong na ito. Karamihan sa mga tao ay may pangarap, pangarap na yumaman, magkaroon ng sariling bahay at sasakyan, pumunta sa iba’t ibang lugar at umahon sa hirap. Gaya ni Henry Sy Sr., dati siyang taga-ayos ng sapatos sa tabing kalsada. Ngunit ngayon, isa na siya sa mga matagumpay na entrepreneur sa ating bansa, at nagmamay - ari ng SM Supermalls. Mahirap makuha ang pangarap, kailangan mo munang dumaan sa maraming proseso upang unti unti mo itong makuha. Gaya ng ulam, kailangan mo itong timplahin, lutuin at maghintay hanggang sa ito’y iyong makain ng masarap. Isa sa aking hakbang upang matamo ang aking pangarap ay ang time management. Sa pamamagitan nito, matalino kong nagagamit ang aking oras sa gawaing paaralan at paglilibang. I...