Sintesis
Pamagat:
Epekto ng adiksiyon sa online games ng mga kabataan
Thesis
Statement: Nakakasama ang adiksiyon sa online games dahil nakakaapekto ito sa
mental at pisikal na kalusugan ng mga kabataan
Uri:
Background Synthesis
Anyo:
Explanatory
Pamamaraan:
Pagbubuod
Sinabi
ni Jhen Nicolle (2021) na maraming mga kabataan ang nagsasabing sila ay
nababagot sa kanilang mga gawain, lalo na sa pag-aaral. Kaya naman ang
paglalaro ng computer ang nagbibigay sa kanila ng kasiyahan at ng
mapaglilibangan. Maraming mag-aaral ang nagwawaldas ng kanilang pera sa
paglalaro ng computer games.
Ayon
rin kay (De Pasquale et al., 2020) na ang adiksiyon sa online games ay naiulat
na nakakasira ng mental health ng tao, nagpapataas ng depresyon, anxiety at
nakakasira ng relasyon sa iyong pamilya.
Paghahalimbawa
Ayon sa website ng PsyChGuides.com, narito ang ilan sa mga epekto ng adiksyon sa onlines games ng mga kabataan.
- Pagkakaroon
ng pakiramdam ng pagkabalisa at pagiging iritable kapag hindi nakalaro ng
online games na kung saan ang sarili ay napapabayaan na; hindi nakakakain at
hindi nakakainom.
- Maraming
oras at pera ang ginugugol sa paglalaro na dapat sana ay ituon sa mga mas
makabuluhang bagay.
- Ang
adiksyon sa online games ay nakakasira sa pag-aaral, relasyon sa pamilya at
kaibigan dahil sa kapabayaan.
- Maaring
manghina ang immune system at magdulot ng panghihina ng katawan dahil sa puyat
at kakulangan sa tulog dulot ng paglalaro.
- Maaari rin itong maging sanhi ng Carpal tunnel syndrome na sanhi ng sobrang paggamit ng controller o computer mouse
Pagdadahilan
Ayon
sa Frontiers (2019), nagsisilbing libangan ng mga kabagtaan ang online games
kaya’t maraming naaadik dito.
Ayon
naman sa pag-aaral mula sa New Port Academy, nagiging adik sa online games ang
mga kabataan dahil ito ang nagsisilbing paraan nila upang makatakas sa problema
na kanilang dinadaing. Ayon sa pag – aaral na karamihan sa mga nagiging adik sa
online games ay may mga problemang dinaramdam. Kaya’t nagiging daan ang online
games upang makalimutan at huwag damdamin ang kanilang mga problema.
Sanggunian:
https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpubh.2019.00247/full
https://www.academia.edu/35941749/Thesis_in_filipino_Online_games