Posisyong Papel
K – 12: Oportunidad na nagpapahirap sa mamamayang
Pilipino
Noong 2013,
isinabatas ang Republic Act No. 10533 na kilala sa titulong "Enhanced
Basic Education Act of 2013" o ang K - 12 Program. Sa programang ito,
nadagdagan ng dalawang taon ang DepEd basic kurikulum dito sa ating bansa. Ang
Pilipinas ang huli sa mga bansa sa Asiya na nagpatupad ng programang ito.
Layunin ng K-12 program na mapatibay ang pag-aaral, karanasan at kakayahan ng
mga Pilipino. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ipinatupad ang programang ito
ay ang pagkakaroon ng trabaho pagka - graduate sa Senior Highschool. Ngunit ang
K - 12 ba ay talagang nagpapatibay ng edukasyon sa Pilipinas o ito ay
nagdudulot ng kahirapan sa magulang ng mga mag-aaral?
Sa K - 12
Program, nadagdagan ng dalawang taon ang grade levels sa highschool. Kaya't
madadagdagan rin ng dalawang taon ang pagbibigay ng baon ng mga magulang sa
kanilang mga anak. Maliban pa rito ang allowance para sa kanilang projects at
mga gamit sa eskwela. Sinasabing ang pagdagdag ng dalawang taon sa highschool
isang ay hakbang upang maging handa ang mga mag - aaral sa pagpasok nila sa
kolehiyo. Sinasabi rin na kapag nakatapos ka ng Grade 12 ay maaaring ka ng
makakuha ng trabaho, lalo na ng mga nasa vocational courses. Ngunit parang iba
ata ang naging ihip ng hangin at ang mga pangako ay mananatiling pangako
nalang. Base sa pag - aaral, inaasahan noong 2013 na magiging mababa ang
unemployment rate mula 5.1% dahil sa pagpapatupad ng K-12 program. Ngunit
tumaas ng 5.7% to 6.8% ang unemployment rate mula 2016 -2023. Ayon naman sa
Department of Education, karamihan sa mga Senior Higschool graduates ay
nahihirapang makakuha ng trabaho. Base sa datos mula sa DepEd's Basic Education
Report, mahigit kumulang 10% ng mga nakapagtapos ng Senior Higschool ang
nakakakuha ng trabaho at 83% naman nagpapatuloy ng pag - aaral sa kolehiyo.
Nangangahulugan na mas gusto ng mga kompaniya at pribading sektor ang mga
college graduates kaysa sa mga SHS graduates. Kaya't nasasayang lamang ang
dalawang taon na pag-aaral ng mga estudyante at nakakadagdag din ito sa
gastusin ng mga magulang.
Maganda ang
layunin ng K-12 program na mas patibayin ang sektor ng edukasyon sa Pilipinas
at ihanda ang mga mag -aaral sa pagpasok nila sa kolehiyo. Ngunit sana ay
tuparin ng gobyerno ang kanilang ipinangako noong ipinatupad ang K-12 program.
Bigyang trabaho ang mga nakapagtapos ng Senior Highschool lalo na sa mga
vocational courses. Bigyan ng tulong pinansiyal at scholarships ang mga
estudyante, upang makapag-aral sila hanggang Grade 12 at makatapos ng kolehiyo nang hindi ito
magiging pabigat sa bulsa ng kanilang mga magulang.
Patuloy na naghahanap
ang mga Pilipino ng solusyon sa mga problema. Ngunit alam niyo ba ang tunay na
problema? Ito ay ang kahirapan. Hindi na natin kailangan ng K-12 Program upang
makamit natin ang tunay na pag -unlad. Hangga't hindi natutupad ang mga pangako
tungkol sa K-12 Program ay mananatili itong walang saysay sa pag-unlad ng
edukasyon sa ating ng bansa. Mananatili itong pabigat at pahirap sa mga
estudyante.