Pundasyon ay Sakripisyo
Pawis na pumapatak sa bawat kilos na ginagawa
Pagod, na siyang umuubos ng sigla
Oras na kinukunsumo sa pagsasanay imbis na magpahinga
sa tahanan nang mapayapa
Praktis doon, praktis dito
Trabaho doon, trabaho dito
Tara! tapusin na natin itong ating proyekto
Upang maipasa na natin sa ating guro!
Ang sarap sa pakiramdam maging estudyante
Pagkatapos ng maraming oras na ginugol sa iyong klase
Ay hindi ka pa pwedeng umuwi
Magpapraktis muna kayo ng iyong kagrupo
O mayroong pa kayong tatapusing proyekto
Nakakapagod, nakakangalay, nakakapanghina
Ngunit kailangan talagang magtiyaga para sa mataas na marka
Pigagpagurang hindi dapat minamaliit
Pinagpagurang puno ng pagsisikap
Sa bawat paulit-ulit na pagkakamali
Sa bawat oras ng hindi pagkakaintindihan at hindi
pagkakaunawaan
Laging iniisip na sana matapos na upang ika'y makauwi
Sana matapos na upang wala ng problema dahil pagod na.
Masaya lang isipin na hindi hadlang ang pagod basta't
may magandang ganap na maipresenta
Laging isipin na sa bawat patak ng pawis ay may
nakalaang tagumpay at ginhawa
Na sa paulit - ulit na pagkakamali'y na mula sa una
hanggang dulo, ito'y patungo sa kahusayan
Na sa
paulit-ulit na paghakbang, pagpinta o pagsipa ng bola, kalakip nito'y isang
napakagandang bunga
Mataas na respeto sa mga estudyanteng kayang
magtiis ng pagod at hindi agad sumusuko
Kapit lang, lahat ng pagsusumikap niyo ay may
magandang matatamo
Padayon! Sa mga estudyanteng pundasyon ay sakripisyo.